Thursday, November 26, 2009

Mahalin ang kapwa Pilipino!!!

kabayanihan bang wag pakinggan ang mga magsasaka?


Mendiola, 1987

Kabayanihan ba ang pagtaksilan ang bayan?


Malolos soldiers died after defending their Republic and betrayed by officials , 1899

Kabayanihan ba ang pumatay ng kababayan?

Maguindanao, November 2009

Hindi marangal ang magpakabusog habang nagugutom ang madaming Pilipino...

Tuesday, November 24, 2009

My Belief on Democracy and Our Sense of Being a Filipino


I believe in the institution of Philippine Democracy!

I strongly believe that its sacred pillars must be enhance and strengthen:

I believe that there should be an equal observance of socio-cultural and economic rights as well as civil and political rights of every citizen across generation...

I believe in the freedom of speech - regardless of ideology and beliefs. I believe that public forum and consultation must arrive in a sound and efficient but sensitive policy for all. That conflict must be resolved through confrontations of best platform in the parliamentary forum.

I believe in Freedom of Assembly and right of all to organize - regardless of ideology as long as it does not advocate terrorism and chaos, this inherent right must be respected.

I believe in freedom of religion - each individual must not sanction based on his religious choice.

I believe that the right to life must be respected - the culture of death should not be tolerated and killings of innocent and non-combatants should not be encouraged regardless of their ideology.

I believe in Academic Freedom – where democracy and freedom must encourage in the halls of classrooms and academic exercises for the pursuit of liberating knowledge from ignorance and prejudice.

People's empowerment must encourage - that political dynasty although not sanctioned yet formally should not be encouraged in the name of politics of addition, transaction and connection.

I believe in Economic freedom and mobility - that every individuals should be given fair opportunity to grow as an individual, be productive, creative and contributory in the life of society.

Safety, health and security - that individuals should be free from fear against their will, dignity, life and property. That their drinking water are accessible and safe, hospitalization are more open to public and the right to a safe and healthy workplace and settlement are observe by our democratic society.

Sustainable environment - that the natural and human ecosystem are not exploited to the point that the future children will not be able to feel the mentioned freedom above so that their children and their children inherent a proud heritage of decency, safety and tolerance.

A government of the people, by the people and of the people where the sovereign will is people power and not the power from a few families. A patriotic foreign policy where policy makers respect themselves and love their people so that foreign countries will also respect us.

Looking from this personal belief, our own democracy that is supposed to be becoming stronger seems to be under attack by various forces who narrowly understand their sense of being a Filipino that is why they betray their countrymen in fact kill them just because they don't understand what power sharing and distribution is all about.

Monday, October 19, 2009

Sa mga anak ng Dagat– albert banico

May kung ilang oras ang paglalakbay namin ng aking mga kasama sa baybayin ng San Miguel upang marating ang mga komunidad ng iba’t ibang barangay na nakabase sa pulo.

Ang alon ay tila nagsasalpukan kasama ng hanging habang niyayanig nito ang aming speedboat. Sa banggit ng ilang mga kasama, ang malakas na hampas ng alon ay banayad pa kumpara sa ibang panahon nng taon.

Habang papalayo kami sa pantalan ay tila sumusuko dahil sa kalumaan at panganib para sa mga naglalayag na mga paslit at matatandang may kahinaan na ang katawan, tanaw namin ang mga mangingisdang abala sa pag-ahon ng kanilang mga huling isda.

May ilang minuto bago marating ang bawat pulo at mula sa malayo ay matatanaw ang mga malalaki at mapanganib na daanan ng alon na tila ba lalamunin ang mga pampang ng bayan.

Lalo kung naintindihan ang nakaraan ng aming bayan, kung saan ang mga pamayanan ay payak at sapat na nanahan sa mga pampang ng dagat, ilog o lawa ng bawat pulo ng kapuluan. Ang kapuluan ayon sa pumanaw na pambansang artista ng bayan na si Nick Joaquin at Benito Legarda Jr., bilang mga pook na puno ng tubigan kung kaya’t ang mga balangay na palutang-lutang sa mga pampang na bumubuo sa may 30 hanggang 100 pamilya ay naroroon na namumuhay bago pa dumating ang mga sinasambang relihiyon ng Islam at Katolisismo.

Marahil ito ang binabanggit ng dating Senador Heherson Alvarez at manunulat na si Dr. Domingo Landicho na mga anak ng dagat ang mga katutubo sa kalaunan ay Filipino pagdating ng madugong pananakop ng mga dayuhan at mga himagsikang nangabigo. Ang nakalimutang ugat ng ga pangalan ng bayan, pampang sa Pampanga, asinan sa Pangasinan, agos sa Agusan, ilog ng Taga-ilog at marahil sa lunsod ay Libis sa lunsod Quezon at Parang sa lunsod ng Marikina.

Pawang mga bansag na nagpapahiwatig kung paanong ang dating kinamulatan at kamalayan ng bayan ay unti-unting nakalimutan at dahil sa malawakang sakuna at trahedya ng kawalang pamahalaan sa panahon ng sakuna ay unti unting nagbabalik sa ating malay. Sa nakaambang pagbawi ng dagat kung anu man ang talagang kanya ay tila hindi handa kaming inapo na sa libag ng mga kuko ng aming mga ninuno.

Samantala, ang sentro ng bayan na aming pinuntahan ay parang parang dila sa gitna ng bahaging tubig na sa nakaraang sampung taon ay nakaranas ng pagbaha at nanganganib gaya ng mga pulong aming binisita ay lamunin ng karagatan habang ito ay unti-unting tumataas sa pagbabago ng klima.

Sa isang pulo, sa luob ng sampung taon, sinasabing tatlong ektarya ng lupa ang kinain na ng dagat. Naisip ko habang nakikita ang mga bata sa bawat pulo na naglalaro at nagtatakbuhan paikot sa gitna ng puno ay ang kanilang kinabukasan.

Kung kayat sa aking pagbabalik sa Maynila ay binanggit ko sa mga kawani ng Departamento ng Transportasyon ang halaga at plano para sa paglalakbay sa bahaging tubig o dagat.

Naisip ko ang maraming mga kababayan ko na nananahan sa mga pulo. Ang mangingisdang sinusuong ang dagat at naiipit sa panahong may bagyo sapagkat walang nakapagsasabi sa kanila kung may panganib na parating.

Ang ibang pulo ay tanging paaralan ang naroroon at kung meron man ay walang sapat na gamit. Walang hospital na malapit. Walang gamut o kaukulang pangangailangan upang mabuhay ng sapat. Walang tulong mula sa sentro o kung meron man ay bilang sa daliri ng bawat taon. Walang kuryente o balita at ang natitirang mga lupa na maaring takbuhan nila ay naibenta na sa pribadong pag-aari.

Dito ko rin naunawaan higit ang malawak na kahirapan ng bayan kahit may ika-50 taon nang nakalilipas matapos ang huling malaking pandaigdigang digmaan. Sa masaklap, hanggang kamatayan ang labi ng mahal sa buhay ay kailangang ilibing sa kabilang pampang, at hanggang sa huling sandali ay tatawid ng dagat ang mga mahal sa buhay. Upang matapos ihatid sa huling sandali ay babalik sa mga pulo ng walang katiyakan. At dito, hindi ko batid panu natatangap o nakakatulog ng mahimbing ang mga Obispo ng simbahan o mga tao sa mga institusyon na may maaring gawin upang mapaunlad ang buhay ng aming mga kababayan.

Mula Marikina River hanggang Pasig River - albert banico



Tumatawid ang katubigan mula Lawa ng Laguna tungo sa mga bahagingg tubig ng mga kalapit na bayan gaya ng mga ilog ng Marikina hanggang ilog Pasig upang iluwa sa baybayin ng Maynila at lamunin ng mas malawak na dagat.

Sa mga nagdaang mga delubyo ng bagyong Ondoy at Pepeng, ilang linggong hindi na halos bumababa ang tubig sa kailogan.

Ang dating matulaing ilog ay mistulang nagaalimpuyong agos ng tubig, nangangalit at rumaragasa sa mga walang malay na kabahayan. Kabahayang itinayo sa dugo at pawis ng pagsisikap sa mga mamamayan mula sa iba’t ibang sector at sa isang iglap ay muling binabawi ng kalikasan.

Para bang sinasabing walang mahalaga sa buhay kundi buhay mismo ng mga tao at ang mga gamit sa bahay at iba pang pinundar na material ay walang saysay. Sa nagdaang mga araw, ilang araw din kami ng pamilya ang hindi nakababa ng bahay dahil sa pagbubukas ng dam sa mga karatig pook na nagdulot ng pagbaha sa buong kamaynilaan at sinundan ng katulad na kalagayan sa pagdating ng bagyong Pepeng.

Hindi biro ang mga nasirang imprastraktura gaya ng mga tulay, daan, paaralan, ospital, sasakyan at iba pa gaya ng buhay na mga nangasawi na hindi inaasahan.

Bumaba na nga ang tubig at dahan dahan ay bumabangon ang mga gaya naming naging saksi sa kawalang pamahalaan ng mga oras na iyon. Ngunit ngayon ay parating na naman ang isang bagyo sa ngalang Ramil at habang tinatanaw ko ang ilog Pasig, ang kawalang katiyakan ay patuloy na nagbabadya higit sa mga mamamayang nakatira sa mga pook na malapit sa sakuna.


Pasig River Bank, Manila, Oct. 19, 2009, 5pm

Friday, August 21, 2009

Pagmamahal sa bayan? – albert banico


Agosto 21, 2009 at ilang taon na nga pala ang nakakalipas simula nang maganap ang trahedya at pagpapakabayani ni Ninoy Aquino.

Sa telebisyon, isang Pilipina ang umiiyak sa airport dahil niloko daw siya ng isang ahensiya sa Pilipinas at mabuti na lamang at nakauwi siya ng buhay.

Sanlibot isang kuwento na din ang nabasa ko kung paano kaberdugo ang maraming lider sa pangungulimbat ng kaban ng bayan o kaya naman ay tumalikod sa mga ipinangako nito sa bansa.

Sa kabilang banda, hindi matatawaran ang mga imahe na naglalarawan sa mga Filipinong nilalamangan ang kanilang kapwa. Mga taxi driver na iniikot ang kanilang pasahero. Mga Bus driver na nanagasa ng mga pasahero o by stander. Mga karterong ninanakawan ang mga sobre. Mga traffic enforcer na nagtatago sa likod ng poste o sulok habang madaming driver ang hindi sumusunod sa batas trapiko.

Mga doctor na ooperhann ang pasyente kahit hindi kailangang operahan.Mga abogadong pahahabain ang kaso o palalakihin ang problema para kumita. Pandaraya sa timbang sa palengke, pagbebenta ng pekeng gamut at gamit. Pagtutulak ng droga at iba pang panloloko sa kapwa.

Lahat marahil tayo ay nagkasala na sa mundong ito. Ngunit sa malawak na pagtingin ang mga kababayan natin ay kababayan natin. Kapwa tayo mga Filipino. Lugmok ang bansa dahil mahina ang pagmamahal natin sa ating bayan. Ang sukatan natin ng pagmamahal na ito ay pagbubuwis ng buhay o kaya naman ay paglaban sa mga nasa kapangyarihan.

Pangalawa sa pagmamahal sa Diyos ay pagmamahal sa Bayan. Isang pag-ibig na dalisay ika nga ni Gat Andres Bonifacio. Ngunit hindi malalim ang pagkakaunawa natin sa ating bayan. O marahil sa ating pagkaFilipino. Marahil Pilit ito at nagiging Filipino lamang tayo dahil naipanganak tayo sa Pilipinas at ang mga magulang natin ay mga Filipinong napilitan ding ipanganak bilang Filipino.

Ngunit hindi aksidente na lahat tayo sa bayan na ito ay ipanganak sa lupaing hinati ng mga pulo, kabundukan at mga Yamang dagat. Ang mga sinasabing abusadong lider sa ating kasaysayan ay mga sintomas marahil ng kawalang pagmamahal sa bayan.

Paglimot na ang mga kalahi natin ay mga kababayan nating dapat pagmalasakitan at igalang sa kanilang pananaw habang iniisip din nila ang parehong kamalayan. Sabi Ninoy, the Filipino is worth dying for? Sinagot ito ng isang estudyante sa tanong na paano mamahalin ang isang bagay na hindi mo alam kung ikaw ay mahal din?

Marahil ang pagmamahal na ito ay walang konsepto ng sarili kundi ng mas malawak na kapwa. At ang konsepto ng kapwang ito ay katutubong Filipino sa kaisipang kapwa tao, kristiyano, relihiyoso o katoliko.

Ang kailangan lamang ay tiwala sa mga Filipino at pamunuan ang mga Filipino ng mga pinunong may tiwala sa kanilang mga kababayan. Ngunit bago ang lahat kailangan makilala ng bawat isa ang kanilang sarili bilang Filipino.

Marahil nalimutan natin kung paano ang isang Saro Banares ay mapatay habang marami ang puwedeng umawat o saksakin ang isang estudyante sa UP Diliman sa tabi ng isang pila ng jeep. Marahil karuwagan ngang matatawag ito. Kaduwagan na mahalin an gating kapwa.

Sunday, August 2, 2009

Salamat Pangulong Cory-albert banico




Nakisama ako sa mahabang pila sa labi ng dating Pangulong Cory Aquino.

Madaming desisyon si Pangulong Aquino na marahil hindi nagustuhan ng mga kritiko niya at mga desisyong idinulot ng mga tunggalian ng kaliwa’t kanang puwersa sa luob at labas ng kanyang pamahalaan.

Hindi na mauulit ang ganitong uri ng pagpupugay sa kahit sino mang politico na kilala natin ngayon. Walang Ninoy Aquino na handing magbigay ng buhay nila sa mga kasalukuyang politico. Maaring mali ako ngunit sa paninidigang ipinakita ng mag-asawang ito sa ating bayan, hindi matatawaran ang kanilang nagging papel para sa demokratikong pamumuhay natin ngayon.

Maaring hindi perpekto ang demokrasyang ito ngunit ito kasama ng mga institusyon gaya ng karapatan sa pamamahayag, pagboto, eleksiyon at ang Kongreso ay maaring pagsimulan ng mas matibay na demokrasya sa ating bayan kung saan ang maliliit at mas mahihirap ay higit na mabibigyan ng pansin.

Gayundin, ang tiwala sa Pilipino na ipinakita ng mag-asawang aquino gaya ng katagang: The Filipino is worth dying for at kay Cory na nagpahalaga sa kakayanan at talento ng Pinoy ay mga kontribusyong hindi matatawaran.

Gayundin, ang pagpapahalaga ng integridad sa pamahalaan ay napakahalaga na hindi natin Makita sa mga sumunod na rehimen ng bayan.

Ang taong bayang nagpupugay Kay Ninoy at Cory, ay mahalagang makita muli sa panahong halos pabayaan na sila ng mga politico at sa taong bayan na matagpuan nila muli ang kanilang sariling lakas na binigyang lakas ng luob ni Ninoy, Cory at marami pang tumayo at nanindigan sa batas militar.

Thursday, July 23, 2009

On the Nature of Trapo Politicians and their Politics

(this article is a response to the Trapo article of Antonio Abaya entitle Trapo versus Non-Trapo, Jlu 1, 2009 Standard Today)

1. The worst kind, they use guns, goons and gold to buy votes, to intimidate opponents and force their undemocratic will to the public. The gold, include their ill gotten wealth;

2. As what Mr. Abaya said, they promote, tolerate or even sustain the culture of political dynasties in the public because they belong to the 200 or 500 families of political dynasties in alliance to the economic hold of their families in the Philippines from North to South who do not have the intention to break the cycle of feudalism in this country.

3. The politicians who love to eat so much; spend in five star hotels during their junket trainings without out puts; use expensive vehicles at the expense of public funds while their constituents are poor enough to bring their children inside the school located several kilometers away from their barrios, no safe water to drink, no food in their table, no hospitals, no options to mobility up to their aging years or even no money to spend to provide their love ones a decent funeral or grave yard in times of death.

4. They promote the idea that dynasties are destiny and therefore they have the natural right to inherent political power. It pave the way to the rise of batang trapo in the sangguniang kabataan, barangay, municipal council, local offices and even in the national centers of power such as the Senate and Congress.

5. The politicians who build their political power from their empty promises and press releases for the benefit of the enchanted ignorant and manipulated poor segments of the society.

They talk a lot about issues that they do not really understand; they promise a lot which they cannot do; they give false hope to the hopeless. In fact, we can consider they as children of the anti-Christ genes.

6. They release funds for unimplemented projects for several years during the time when election is already near; you can see their giant tarpulins and bill boards; love to shake your hands, kiss your kids in front of cameras, flash their plastic smiles with you; give alms and medical missions in the community but you cannot find them after they are elected.

You cannot talk to them or even see them after elected; often they are not in their office;

And their employees? Sometimes they are equally arrogant; waiting for their turn to build their own political power founded too on empty promises and press releases!!!

We need a generation to change this and sadly I feel that it will not happen in this life time.

Wednesday, June 17, 2009

Bayan ang Bida!!! - albert banico



Nang tumakbo ang namayapang Fernando Poe Jr., nangamba tayo na siya ay maaring manipulahen ng mga trapong nakapaligid sa kanya. Bayan ang bida ang islogan ni FPJ at ni Loren Legarda.

Sagot naman ng tatay ko: Anu yan pelikula? Anong alam niya sa Gobyerno.

Manggagawa ang tatay ko kaya nais niyang mas magaling sa pamamahala ang maupong pangulo noon. Nagtuturo ako sa UE noong 2004 at tuwing may martsa ang mga FPJ supporters eksakto naman na break ko sa campus kaya natatapat na kumakain ako banding university belt at nakikit ko ang mga masang nagmamartsa sa lansangan ng Espana patungong Plaza Miranda. Laksa-laksang taong bayan ang sumuporta kay FPJ at nangarap na hindi sila maiiwan sa gitna ng labanan. Pero naiwan silang lahat. Kaya napagod na din ang marami.

Alam na natin kung ano ang mga sumunod na pangyayari. Namatay si FPJ at nag ala mini People Power ang kalye ng Espana. Saksi ang kalyeng ito ilang hakbang patungo sa Palasyo malapit sa tulay ng Mendiolia.

Sa kuwentohan ng aking mga nakilala na nagtrabaho sa politico sa kung saan-saan, madalas nilang angal na ang kanilang mga boss ay adik sa press releases. Para bang mamamatay kapag hindi sila nainterview, nalathala sa dyaryo, lumabas sat v at kung saan saan pa. At gayundin ang mga empleyado sa pamahalaan na sa halip na maging instrumento rin ng pagbabago ay nagging mga tsimoy at alipin sa panahon ng mga pyudal na Panginoong May Lupa at mga casique sa panahon ng pananakop ng mga Kastila sa mga busabos na Indio.

Nais magbida ng mga politico sa lahat ng bagay kahit na minsan hindi naman talaga nila naiintindihan ang daing ng bayan. Nais nilang maging popular at humakot ng boto na parang artista upang laging sikat sa madla. Nagmimistulang diyos-diyusan ang tingen sa sarili. Ang resulta ay pagkawala ng katotohanan. Ang pagkawala ng boses ng walang kapangyarihan at mga taong halos hindi na naririnig sa lipunan.

Dito lalo naintindihan ang islogan ng namayapang FPJ. Kailangang ibalik sa tao ang lakas na nawala sa kanila sa maraming EDSAng nagdaan. Kailangan magbukang liwayway sa bayan nating halos hindi na dumarating ang umaga.

Sa bayan na naging bida ang mga Diyus Diyosan at ang tunay na naghihirap at nagpapawis na mga ordinaryong tao gaya ng mga OFW, manggagawang bukid, mangingisda, obrero, tsuper, guro at mga propesyunal na bawat singko sa kanilang bulsa ay pinag-hihirapan ay tagapalak-pak na lamang.

Dapat nang magwakas ang pamumuno at propaganda sa pamamagitan ng press releases. Kailangang itanghal muli natin ang bayan at taong bayan sa pedestal sa usaping pambayan. Hindi politico o kandidato sa pagkapangulo ang dapat pag-usapan kundi ang mga isyung pambayan.

Nakakapagod na din minsan ang makipaglaro lang. Bayan dapat ang bida!